Martes, Agosto 2, 2011

Ang Malibog kong Umaga!

Kanina lang, ang bilis ng tibok ng aking puso. Para bang bulkan na gustong sumabog. Kanina kasi nang nakita ko SIYA, may tila malignong tumutukso sa aking isipan. Nakahiga lang Siya at mag isa lang din ako - perfect time kung baga. Di ako nakatiis at biglang nanlamig ang katawan ko, napakalakas din kasi ng aircon. At kahit sa sobrang lamig ng kwarto, nanaig parin ang nagaapoy kong diwa biglang uminit ang aking katawan at ang bahaging iyon ng aking katw an ay tila ayaw magpaawat - naninigas. Ang tigas-tigas, masisi ko ba naman siya? Minsan lang kasi  ito, this time pinagpala talaga ako ng pagkakataon at ngayon ko lang to gagawin sa buong buhay ko. Excited na medyo kabado. Pero sa isip ko, di ko na 'to palalagpasin. Katunayan, di ko nga namalayan na ang kamay ko pala biglang lumikot. Unti unti ko na palang hinuhugot ang zipper na kumukubli sa madulas nyang katawan, dinahan-dahan ko ang pagbukas. Isang matinding pag-iingat kasi ayokong mahalata. Wow! Success. Nabuksan ko nga, at tumambad sa akin ang hubad niyang katawan. Wow! flawless wala man lang ni isang gasgas talagang alagang-alaga. Perfect ika nga! Kaso di ko masyadong naaninag ang kanyang kabuuan, may saplot pa kasi ang bahaging IYON. Kaya naging maingat naman ako hinubadan ko na siya ng lubusan, di ko na inisip ang susunod na mangyayari ang tanging nag hari sa kaloob-looban sa mga sandaling iyon ay ang kapusukan ng aking nararamdaman. Buong tapang kong tinanggal ang natatanging tabil ng kanyang katawan at ni isang saplot ay wala na. Nanigas ulit ako at siyempre pa ang bahagi ding iyon ng aking pagkalalki para bang nakukuryente ako ng ilang libong boltahe.Gayunpaman, ginamit ko ang ang aking dalawang kamay upang himasin ang medyo matigas niyang katawan at pinisil pisil ng buong ingat - di man ako sanay na gawin iyon pero alam kong ginagawa ko ito ng tama. Kasunod pa'y unti-unting tinungo ng aking daliri ang malambot na bahaging maging susi ng aking di makakalimutang ligaya, kaligayang kahit nakaw na sandali ay batid kong abot langit. Wala akong sinayang na segundo, agad ko tinunton sa gitna at sentro ng kanyang katawan ang malambot niyang butas. Agad-agad kong ipinasok ang aking hinlalato, napakainit ng bahaging iyon at ang sarap ng sensayon ng ibinibigay nito mula sa dulo ng aking daliri hangang sa kahuhulihang balahibo ng aking katawan. Wow! Heaven. Di naglaon, para na ring lumliipat ang mga kuryente sa aking katawan patungo sa kanya dahil unti-unti siyang nagkakamalay. Sa puntong iyon ako mas kinabahan, mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Pero di bale, mas lalo kong inayos ang aking pagkahiga. Siniguro kong hindi ako mahihirapan sakaling tatagal kame, naanticipate ko na kasi na may laban din siya at ako nama'y di aatras. Sa katunayan, agad kong hinubad ang aking sando, madali kong hinila pababa ang aking pantalon gamit ang aking mga paa, at inayos ang pwesto ng akong katawan. Isang napakagandang panoorin - ang kanyang hubo't hubad na katawan habang ako'y suot ang stipe boxer brief bilang kahuli-hulihang saplot."This is it!" Iniisip ko na hangang kailan kaya siya tatagal? 30 minutes ba? o higit isang oras. Wooh! Ang saya at ang sarap ng pakiramdam. Di ko maipaliwanag ang milyun-milyon sensayon na nararamdaman ko. Ilang saglit pa'y nangyari na ang mahinahon kong paghihintay. Nagkamalay na nga Siya. Agad kong sinalubong ng mainit na sulyap ang unti-unting paglantad ng kanyang kabuuan. Nagbilang ako...isa..dalawa..tatlo...


AHHH..........
Shit ang malas naman. Kung kelan iniwan ng boardmate ko ang LAPTOP niya, nakalock pa. Pakshet! Chance na sana yun eh. Hahaizt. Ang malas-malas talaga. Di ko alam ang log-in sa LAPTOP niya. Ggrrrrrr...................


"Press CTRL + ALT + DELETE to log on. To begin, click your username."

Please enter the Username and the Password.

pambihira..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento